CommunityEnvironmentEventsNational and International

U.S. AT PILIPINAS, NAGSAGAWA NG MARITIME THREAT ANALYSIS EXCHANGE

Ni Vivian R. Bautista

NAGTAPOS noong ika-25 ng Hulyo taong kasalukuyan ang isang linggong palitan ng mga analytical technique at pinakamahusay na mga kasanayan sa pagkontra ukol sa mga bantang pandagat sa Pilipinas na katuwang ang Estados Unidos sa pamamagitan ng Defense Threat Reduction Agency (DTRA).

Nakasaad sa Press release ng U.S. Embassy in the Philippines Information Office, na lumahok ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang linggong pagpapalitan ng Defense Threat Reduction Agency (DTRA) sa pamamagitan ng pagsusuri ng banta sa dagat na ginanap mula noong ika-18 hanggang 25 ng Hulyo, 2022.

Sa nasabing aktibidad ay nagpalitan ng mga kaalaman at kanilang pinakamahusay na kasanayan ang mga miyembro ng maritime ng U.S. at Pilipinas na layon ay palakasin ang magkasanib na operasyon sa dagat.

Kasama sa palitan ang tatlong (3) araw na analytical discussions, na sinundan ng dalawang (2) araw na tabletop exercise na nagbigay-daan sa mga eksperto ng DTRA na higit pang palawakin ang kanilang kaalaman ukol sa mga partikular na regional maritime security challenges sa pamamagitan umano ng pakikipag-ugnayan sa mga kasapi mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at NCWC sa Maynila.

Nilalayon din nitong tulungan ang NCWC sa pagkuha ng kaugnay na kaalaman at kasanayan upang suportahan ang joint maritime domain at counter threat network operations.

Photo//U. S. Embassy in the Philippines Information Office

“This exchange equipped NCWC analysts with the necessary tools to independently conduct Counter Threat Network analytical activities that strengthen the Philippines’ efforts to protect its territorial waters and maritime rights,” ani DTRA Partner Engagement Coordinator Dawood Luqman.

Napansin din ng mga kinatawan ng DTRA mula sa U.S. Indo-Pacific Command at sa Special Operations Command ang malaking kontribusyon ng pagpapalitang ito sa pagpapalakas ng pakikipagtulungang ugnayan sa pagitan ng mga kasapi ng militar at coast guard ng U.S. at Pilipinas.

Ang DTRA ay isang matagal nang ka-partner ng gobyerno ng Pilipinas, ito ay gumanap ng mahalagang papel na sumusuporta sa pagtatatag ng NCWC at National Coast Watch Sytem.

Responsable din ang DTRA sa pagtatayo ng pasilidad ng NCWC sa Maynila ng mga Regional Coordination Center sa Cebu at Palawan pati na rin sa iba pang mga lugar sa paligid ng kapuluan.

Mula noong 2012, ang DTRA ay nagkaloob na ng higit sa $64 milyon (Php3.5 bilyon) sa NCWS para sa pagkuha ng mga advanced na kagamitan at pagsasanay ng mga kasapi na nagbibigay-daan umano upang maging pangunahing entity ng seguridad sa dagat ng Pilipinas.

Related Articles

Back to top button
Close