EventsHeadlinesNational and InternationalPalawan AffairsTourism

MGA KANDIDATA NG MISS EARTH PHILIPPINES 2022, DUMATING NA SA BAYAN NG CORON, PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

PINANGUNAHAN ni Coron Mayor Marjo Reyes ang mainit na pagsalubong at pagtanggap sa dalawampung (20) mga nagagandahang kandidata ng Miss Earth Philippines 2022 matapos na sila ay dumating kahapon ika-1 ng Agosto taong kasalukuyan, sila ay lulan ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Gabriela Silang (OPV-8301).

Nakasaad sa Official FB page ni Mayor Marjo Reyes, na sa bayan ng Coron magaganap ang koronasyon ng nasabing patimpalak na gaganapin sa ika-6 ng Agosto.

Ang mga nasabing kandidata ay nag-motorcade kahapon ng umaga na nagsimula sa Barangay Tagumpay at umikot sa Poblacion na sinundan naman ng Tree Planting Activities.

Nagsagawa rin sila ng photoshoot upang mai-feature umano ang mga pinagmamalaking pasyalan sa naturang bayan.

Photos//Mayor Marjo Reyes Official Fb Page

“Well, we hope for the best. What is important is that maramdaman ng ating mga kandidata kung gaano kaganda ang ating lugar sa Coron at gaano ka-hospitable ang mga Coronians,” ani Mayor Reyes.

Naniniwala ang Mayor na makatutulong umano sa muling pagpapasigla ng turismo ng Coron ang pagbisita ng Miss Earth Philippines 2022 sa kanilang bayan.

Kanya ding pinasalamatan ang lahat ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na nakipagtulungan upang maging maayos at matagumpay ang naturang kaganapan.

Samantala, isa ang bayan ng Coron sa lalawigan ng Palawan na dinarayo ng mga turista mapa-lokal man o internasyonal dahil sa angkin nitong ganda at kaaya-ayang paligid.

Related Articles

Back to top button
Close