CommunityPalawan AffairsPolitics

CONVERSION NG BAYAN NG BATARAZA BILANG CITY OF BATARAZA, MULING IPINANUKALA

Ni Vivian R. Bautista

SA ginanap na ika-4 na regular na sesyon ng 44th Sangguniang Panlalawigan noong ika-2 ng Agosto taong kasalukuyan ay inihayag ni 2nd District Board Member Al-Nashie Ibba sa kanyang privilege speech ang ukol sa usapin ng conversion ng Bayan ng Bataraza bilang City of Bataraza.

Ayon sa kanya, kabilang sa mga unang inihain na panukala sa kamara ngayong 19th Congress ang act na ito at hindi umano ito bago dahil noong panahon ng 18th Congress ay naisulong na ito ng mga dating kongresista.

“Pinapasalamatan po natin si Congressman Michael Romero, bagamat hindi siya taga Palawan ay siya po ang nanguna at noong nakaraang eleksyon ay pinasalamatan din natin siya dahil siya ay nakapasyal sa Bayan ng Bataraza at nakita niya po itong potensyal na puwede maging component city ang bayan ng Bataraza,” ani BM Ibba sa kanyang privilege speech.

Ayon naman kay 2nd District Board Member Ryan Maminta, tunay umanong kahanga-hanga ang ginawa ng isa sa mga kinatawan sa kongreso sa pamamagitan ni 1-Pacman Partylist Rep. Michael Romero para mag-introduce muli ng panukala na magkaroon ng conversion ang katatayuan umano ng munisipyo ng Bataraza patungo sa isang siyudad.

“Noong 18th Congress ito ay ipinanukala din, ngunit sa kagipitan ng panahon at higit sa lahat ay kakulangan pa ng ilang mga pagsang-ayon sa mga requirements o pagtupad sa mga requirements ay naputol po ang mga pagnanais na ito at ngayon po ay in-introduce na naman ng isa sa ating mga kinatawan at ang atin pong mga kinatawan sa buong lalawigan ay sumusuporta rin ayon sa aking huling pakikipag-usap sa kanila kaya naman po marapat lamang na ulitin din natin ang pagpasa ng isang resolusyon na sumusuporta sa pagsasabatas ng House Bill 334 introduce by Rep. Michael L. Romero entitled an act converting the municipality of Bataraza in the Province of Palawan into a component city to be known as City of Bataraza,” sinabi ni BM Maminta.

Samantala, pinagpulungan din ng Sangguniang Panlalawigan ang usapin ukol sa Barangay at SK Elections sa darating na ika-5 ng Disyembre ngayong taon, na dinaluhan ng mga Presidente ng Liga ng mga Barangay na nagmula pa sa mga Bayan ng Aborlan, Araceli, Bataraza, Brooke’s Point, Busuanga, Coron, Linapacan, Kalayaan, Sofronio Española, Roxas at Quezon na bilang pagsuporta umano sa isinusulong na panukala ni Kgg. Ferdinand P. Zaballa.

Related Articles

Back to top button
Close