EnvironmentHeadlinesPalawan Affairs

RE-SUPPLY BOAT NG WESCOM, LIGTAS NA NAKARATING SA AYUNGIN SHOAL

Ni Vivian R. Bautista

LIGTAS at naging matagumpay ang paglalayag ng bangkang M/V Unaiza papasok sa paligid ng Ayungin Shoal na matatagpuan sa West Philippine Sea (WPS), ito ay matapos magsagawa ng reprovisioning mission ang Western Command ng AFP sa BRP Sierra Madre (LS 57) na nakasaad sa Social Media page ng Western Command Armed Forces of the Philippines.

“I am very pleased with the smooth conduct of our re-supply run to Ayungin Shoal. We hope that we can sustain this effort aimed at promoting harmonious relations in the West Philippine Sea among claimant countries,” ani VA Carlos, Commander ng AFPs Western Command (WESCOM).

Layon ng nasabing re-supply mission na mapunan muli ang mga suplay at materyales na kakailanganin ng mga tripulante ng naturang barko.

Dala ng nasabing bangka ang iba’t ibang pagkain at damit, gayundin ang mga kagamitan sa pagpapanatili at pagkukumpuni na kinakailangan umano upang mapanatili ang kaligtasan ng mga sundalo sa barko.

“These logistic runs cannot stop. We must ensure our continuing support to the morale and welfare of our troops. Standing watch on distant and isolated islands is one of the most difficult duties a soldier can endure. The least we can do is to ensure sustained support to their requirements,” dagdag pa ni VA Carlos.

Naibaba rin ng maayos ng M/V Unaiza ang mga nasabing kargamento at malaya itong lumabas sa shoal nang walang anumang hindi kanais-nais na pangyayari.

Matatandaang, nauna nang hiniling ng China sa gobyerno ng Pilipinas na “igalang ang pangako nito” at tanggalin ang grounded BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, bagay na pinabulaanan ni noo’y Defense Secretary Delfin Lorenzana dahil ayon sa kanya ay wala naman umanong ganoong pangako ang gobyerno ng Pilipinas at ang naturang barko ay naroon na simula pa noong taong 1999.

Binigyang-diin din niya na ang Ayungin Shoal ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas kung saan mayroon itong mga karapatan sa soberanya.

Related Articles

Back to top button
Close