EventsHeadlinesMetro PuertoNational and InternationalPalawan Affairs

LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, HOST CITY NG “PACIFIC PARTNERSHIP 2022″

Ni Clea Faye G. Cahayag

Opisyal nang binuksan sa lungsod ang Pacific Partnership noong ika-3 ng Agosto katuwang ang mga partisipante mula mga bansang United States, Australia, South Korea, United Kingdom at iba pa.

Sa press conference sinabi ni Rear Admiral Mark Melson, Commander ng Task Force 73 napili ang Puerto Princesa bilang host city ng Pacific Partnership batay na rin sa rekomendasyon ng Philippine team ng Pacific Fleet.

Aniya, ang kanilang grupo ay dumating sa lungsod para magsagawa ng mga pagsasanay, lulan ng US Mercy Ship, isang 1,000-bed hospital ship na layuning magbigay ng serbisyong medikal sa mahigit 7,000 indibidwal at magkaloob ng 200 libreng operasyon sa lungsod.

Ang Pacific Partnership ay isang malawakang multilateral humanitarian assistance at disaster preparedness exercise na isinasagawa sa Indo- Pacific na nagsimula taong 2006 at ngayong taon ang ika-17 taon nito.

Ayon kay Vice Mayor Maria Nancy Socrates, malaking adbentahe sa lokal na pamahalaan ang ganitong aktibidad. Aniya, malaki ang maitutulong nito upang mapaunlad ang kapasidad ng Puerto Princesa sa pagtugon sa anumang krisis at usaping medikal.

“Like in terms of our capabilities in handling our disasters particularly also towards mental health issues, also our capability specifically with the Philippine Red Cross in our blood banking technique. It will help us a lot. Just in general, all the training and activities that were getting are helping us build a more prepared and resilient community. The effects will be felt long term,” ani Socrates.

Pahayag naman ni WESCOM Commander Vice Admiral Alberto Carlos magiging pokus ng military exercise ngayon taon ang pagpapaunlad ng humanitarian assistance at interoperability. Katuwang nila sa pagsasanay na ito ang mga militar at civilian personnel sa Pilipinas at mula sa anim (6) pang ibang ka-partner na bansa.

Related Articles

Back to top button
Close