Metro PuertoPolice Report

CONSTRUCTION WORKER, ARESTADO MATAPOS PUKPUKIN NG MARTILYO SA ULO ANG KANIYANG KAINUMAN

Ni Clea Faye G. Cahayag

ARESTADO ang isang construction worker matapos na pukpukin ng martilyo sa ulo ang kaniyang kainuman na nangyari alas-11 ng gabi kagabi, Agosto 3, 2022 sa Employees Village, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Kinilala ng Puerto Princesa City Police Office ang suspek na si Ryan Cabrera Aguila; 32 years old; may live-in partner; habang kinilala naman ang biktima na si Sonny Garate Rosas; 52 years old; may asawa, karpentero at kapwa residente ng Employees Village, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Sa panayam ng duty investigator sa biktima, habang umiinom sila ng alak ng suspek, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila. Dahil rito, maka-ilang beses na pinukpok ng suspek ng martilyo ang ulo ng biktima na nagdulot sa kaniya ng malubhang pinsala.

Isinugod naman sa Ospital ng Palawan ang biktima para lapatan ng lunas ang natamong sugat.

Samantala, nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide ang nabanggit na suspek.

Related Articles

Back to top button
Close