Metro PuertoPolice Report

DALAWANG DATING MIYEMBRO NG NPA, SUMUKO SA PUERTO PRINCESA CITY POLICE OFFICE

Ni Kate Peredo

Dalawang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Palawan ang tuluyang nakinig sa panawagan ng gobyerno para sa kapayapaan. Ito ay matapos na kusang-loob silang sumuko sa Puerto Princesa City Police noong Huwebes, Agosto 4, 2022.

Kinilala ni PPCPO Director Roberto Bucad ang dalawang sumukong dating mga rebelde na sina “Ka JV”, 29, ay tubong Sitio Little Caramay, Brgy. Magara, Roxas, Palawan, at “Ka Jetli” 31, mula sa Sitio Sabang, Barangay Cabayugan, Puerto Princesa City.

Sila ay boluntaryong sumuko sa mga elemento ng City Mobile Force Company sa pamumuno ni PLTCOL Victor Lacwasan sa Barangay Luzviminda, ng nasabing lungsod.

Isinuko din ni “Ka JV” ang isang Cal .30 Carbine rifle na may siyam na live ammunition.

Ang pagsuko nina “Ka JV” at “Ka Jetli” ay resulta ng walang humpay na pagsisikap ng mga intelligence unit ng PPCPO, sa pakikipagtulungan ng CIU, PS2, PPCPO; CIT-Puerto Princesa City, at PIT Palawan RIU4B; CIT PAL RID 4B; PIB; 2nd Palawan PPMFC; MIG 22; MBLT 3 PMC; at Puerto Princesa City Anti-Crime Task Force sa pakikipagkoordinasyon sa Kapatiran ng Dating Rebelde (KADRE).

Ang mga dating miyembro ng CTG ay nasa kustodiya na ngayon ng Puerto Princesa City Police Office para sa debriefing bago ang kanilang enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.

Base sa record ng Police Regional Office MIMAROPA, sa pamumuno ni Police Brigadier Sidney Sultan Hernia, mayroon ng 98 sumukong miyembro ng CTG mula Enero 1 hanggang Agosto 4, 2022.

Samantala, pinuri ni PBGEN Hernia ang pagsisikap ng mga kinauukulang yunit ng pulisya at militar, kabilang ang komunidad, sa nasabing accomplishment at muling iginiit ang kanyang panawagan para sa mapayapang pagsuko ng mga natitirang miyembro ng CTG sa MIMAROPA.

“This is a product of our commitment to securing our region against the threat of communist terrorism under NTF ELCAC (National Task Force to End Local Communist Armed Conflict). I urge all remaining CTG members to withdraw their allegiance from the CPP-NDF-NPA because the government guarantees benefits to all former rebels when they surrender”, pahayag ni PBGEN Hernia.

Related Articles

Back to top button
Close