CommunityEnvironmentHeadlinesMetro Puerto

MGA ESTUDYANTE SA BRGY. LANGOGAN NA TUMATAWID PA NG ILOG BAGO MAKARATING SA ESKWELAHAN, INAKSYUNAN NG CITY COUNCIL

Ni Clea Faye G. Cahayag

SA regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod kahapon, araw ng Lunes ika-5 ng Setyembre agad inaprobahan ng kapulungan ang isang resolusyon na magbibigay ng access road o pansamantalang daanan sa mga mag-aaral ng Sitio Kapakuan, Barangay Langogan sa lungsod ng Puerto Princesa.

Batay sa privileged speech ni Minority Floor Leader, City Councilor Luis Marcaida lll, ang mga estudyante sa nabanggit na lugar ay kinakailangan pa umano tumawid ng ilog bago makarating sa kanilang eskwelahan na lubhang mapanganib lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Aniya, malaking kaginhawaan hindi lamang sa mga mag-aaral kundi na rin sa mga residente ng lugar kung matatapos na ang pagsasaayos ng kanilang kalsada. Dagdag pa rito, hindi na rin kakailanganin pa ang paglalagay ng footbridge kung matatapos na ito.

“Their request right now is for the continuing of the road because if the road will be constructed completely they’re no longer going to cross the river,” ani Marcaida.

Ayon naman kay City Councilor Modesto “Jonjie” Rodriguez ll, mayroon na umanong pondo na inilaan para sa konstruksyon ng kalsada sa Sitio Kapakuan at ngayong taon ay magkakaroon na ng bidding sa proyektong ito.

Nasa walong (8) kilometro umano ang kalsadang ito.

“Yun pong area na yan as far as I remember the city council already approved the budget of P25-M for the completion of that road at ngayon po ang project na yun ay for bidding na. Tinatapos na lamang yung program of work then after that i-pa-pa-bid. Hindi na po ito gagawing by admin kundi i-pa-pa-bid nalang,” ani Rodriguez.

Related Articles

Back to top button
Close