BusinessCommunityMetro Puerto

MIRAMED PHILIPPINES AT HCM NEXUS CONSULTING, MAYROONG HANDOG NA MGA TRABAHO SA MGA RESIDENTE NG LUNGSOD

Ni Clea Faye G. Cahayag

NAKIPAGTULUNGAN ang MiraMed Philippines at HCM Nexus Consulting sa Office of the Vice Mayor Maria Nancy Socrates, City Public Employment Services Office (PESO) at iba pang kompanya para sa isang job fair na isinagawa ngayong araw ng Lunes ika-19 ng Setyembre sa SM City Puerto Princesa.

Sa panayam kay Country Director MiraMed Philippines Marvin Rodriguez, tatlong daang (300) trabaho sa ilalim ng kanyang kompanya ang naghihintay sa mga residente ng Puerto Princesa.

“Katulad ng sa kompanya ko ang aking i-no-offer ay makapagtrabaho ang ilan sa atin sa ibang lugar sa Metro Manila kahit sa ibang bansa yun ang aking intent. Para na rin sa ganung paraan namumulat yung ating kamalian sa ibang lugar tapos nakakapagbigay pa tayo ng– lets say income from where we are in Metro Manila or in other parts of Asia pabalik sa Puerto Princesa ibigsabihin may perang pumapasok na sa labas yun ang aking intensyon kung bakit sinama ko yung mga kompanya sa Metro Manila para makapabigay ng trabaho dito.

Kasi pwede naman na dito nalang kasi marami naman tayong kaibigan na pwedeng sumama pero maganda rin yun iikot sa Puerto Princesa yung mga resources pero diba mas maganda parang ofw na galing sa labas papasok dito so nadadagdagan hindi lang umiikot so yun ang aking intensyon,” aniya sa mga lokal na midya.

Photo//REPETEK

Ilan lamang sa mga iniaalok na trabaho ng dalawang nabanggit na kompanya ay ang accounting, marketing, sales, health care at information technology.

Ayon kay Rodriguez, mula ng siya ay makapagtapos ng pag-aaral isa na sa kanyang matagal na adbokasiya ang human resources development– ang makatulong at mabigyan ng trabaho ang ibang tao lalo pa’t siya ay nagtapos ng mga kursong Major in Philosophy at Human Resources Management.

Nakapagtrabaho na rin siya sa ibang bansa bagama’t masaya at naibibigay ang pangangailangan ng pamilya mas pinili niyang bumalik sa Pilipinas upang dito magtrabaho at makapagbigay ng trabaho sa kanyang mga kababayan.

“Sa MiraMed Philippines Group, nakapagbigay tayo ng trabaho sa almost 700 tao. Masayang-masaya na ako doon sa Metro Manila that’s why nandito ako sa Puerto Princesa na gusto ko ulitin kung anuman ang nagawa ko sa ibang lugar and that is the intent kung bakit nandito tayo ngayon. Tulungan niyo po ako na sana maibigay yung mensahe sa ibang tao na mallit man o malaking bagay basta meron kang intensyon na makatulong malaking bagay na yun sa iba kasi hindi mo naman kailangan maging pinakamayaman, hindi mo naman kailangan maging pinakamagaling o pinakamatalino ang kailangan mo lang gawin is magkaroon ka ng kusa na para makatulong sa iba at mabigyan sila ng opportunity,” dagdag pa nito.

Nag-iwan naman ito ng mensahe sa mga aplikante na magkaroon ng mahabang pasensya, tiyaga at determinasyon sa paghahanap ng trabaho na angkop sa kanilang sariling kakayanan.

Related Articles

Back to top button
Close