CommunityNational and International

KURSO SA PAGSASANAY SA SMALL BOAT OPERATIONS PARA SA PHILIPPINE COAST GUARD, PINADALI NG U.S.

Ni Vivian R. Bautista

PINADALI ng U.S. Coast Guard (USCG) ang unang kursong Small Boat Operations na pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) noong ika-5 hanggang 16 ng Setyembre na ginanap sa Maynila na bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan ng U.S.-Philippine upang mapahusay ang kakayahan ng Pilipinas sa pagpapatupad ng batas sa maritime.

Ayon sa U.S. Embassy in the Philippines, sa pamamagitan ng suporta at pagtuturo ng mga bumisitang instructor ng USCG, sinanay ng labindalawang (12) PCG instructor candidates ang labing-anim (16) na estudyante ng PCG sa pamamagitan ng pagtuturo sa silid-aralan at mga praktikal na pagsasanay sa dagat upang mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa nabigasyon, pagmamaneho ng bangka, pamamahala sa peligro, paghila, at pagsagip ng tao sa dagat.

Ang nasabing pagsasanay ay bahagi umano ng serye ng mga kursong itinaguyod ng Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs ng Department of State, na may suporta sa pagpopondo mula sa U.S. Global Contingency Security Fund, upang ihanda ang mga Filipino instructor na manguna sa pagsasanay sa pagpapatakbo ng maliliit na bangka para sa PCG.

Sa seremonya ng pagtatapos ng kurso noong ika-16 ng Setyembre, sinabi ni Philippine Coast Guard Fleet Commander Rear Admiral Charlie Q. Rances ang lawak ng partnership ng U.S. – PCG.

“This is just one of the many training and learning opportunities that INL and USCG extend to the PCG,” aniya.

“This type of technical training among maritime professionals highlights the strong relationship, unity, and likeminded outlook between the Philippine and U.S Coast Guards.”Dagdag pa ni USCG Liaison sa U.S. Embassy Manila, Commander Bien Decena.

Samantala, ang INL at USCG ay mag-oorganisa ng mga karagdagang aktibidad sa pagsasanay katuwang ang PCG sa huling bahagi ng taong ito sa iba’t ibang paksa, kabilang na ang mga operasyon sa pagpapatupad ng batas sa dagat at programa ng pamamahala ng sasakyang pandagat.

Related Articles

Back to top button
Close