EntertainmentEventsMetro PuertoTourism

CITY GOVERNMENT, TARGET NA MASUNGKIT MULI ANG IRONMAN SA 2023

Ni Clea Faye G. Cahayag

INANUNSYO ni Punong Lungsod Lucilo Bayron na target ng lokal na pamahalaan sa susunod na taon

na muling masungkit ang hosting ng Ironman 70.3, isang long distance triathlon race.

Ito ay base umano sa mga positibong ulat ng organizers kung saan sa ngayon nasa 1,122 na ang nagparegister na triathletes mula sa iba’t ibang bansa na makikilahok sa nalalapit na aktibidad ngayong buwan ng Nobyembre na gaganapin sa lungsod.

“Naitext na sa akin kagabi ni Princess Gulura na ang ating registered na triathletes as of last night (Setyembre 18) ay 1,122 kulang nalang ng 78 para maabot natin ang minimum. Confident si Princess na sabi ni Mayor– sigurado, lalagpas tayo sa minimum na 1,200,” ang naging pag-anunsyo ni Bayron matapos ang flag raising ceremony ng City Government.

Aniya tinuran umano ni Gulura na kapag natapos na ang Ironman ngayong taon sa siyudad ay maaari nang sundan ng international announcement para maka-engganyo na ito ng mga partisipante.

“Ang suggestion niya (Princess) right after ng Ironman 70.3 dito sa Puerto Princesa, i-announce na natin yung Ironman 70.3 2023 –ano ito international na announcement para magsimula na tayo na makagather ng mga registrants o triathletes sabi niya habang fresh pa ang experience nila dito sa Puerto Princesa,” ayon pa sa Alkalde.

Kaugnay nito, nanawagan si Bayron ng pagkakaisa at pagtutulungan upang maging maganda ang resulta ng Ironman ngayong taon.

“Siguraduhin natin na maging maganda yung hosting ng 70.3 Ironman dito sa lungsod ng Puerto Princesa dahil ako ay hihirit sa ating mga organizers kasi more or less nakaset na yung tatlong taon sa atin eh kung maaari gawin na nating sampung taon para tuluy tuloy yung pag-asenso at turismo sa lungsod ng Puerto Princesa,” dagdag pa nito.

Related Articles

Back to top button
Close