Palawan AffairsPolice ReportRegional

TOP 10 MOST WANTED PERSON SA CLAVERIA, MASBATE, ARESTADO SA SAN VICENTE, PALAWAN

Ni Kate Peredo

Arestado sa San Vicente, Palawan ng Police Regional Office MIMAROPA sa pamumuno ni Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia ang itinuturing na No.10 most wanted person sa Claveria, Masbate noong Sabado, Setyembre 24, 2022.

Sa ulat mula kay Palawan Police Provincial Office Director Police Colonel Adonis B. Guzman na si Sandy Bolado Regala, 25, na naninirahan sa Barangay Poblacion, San Vicente, Palawan, ay naaresto sa joint law enforcement operation na pinangunahan ng San Vicente Municipal Police Station kasama ang mga tauhan ng Palawan Provincial Intelligence Unit ng PPO at 2nd Provincial Mobile Force Company; at 401st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4B, sa koordinasyon ng Claveria Municipal Police Station, Masbate Police Provincial Office.

Si Regala ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) na inisyu ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Branch 48 sa Masbate City noong Pebrero 9, 2022 dahil sa mga krimeng Attempted Homicide at Acts of Lasciviousness kaugnay sa Sec. 5(b) ng R.A. 7610 na may inirekomendang bail bond na nagkakahalaga ng PhP80,000.00 bawat isa.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang naarestong akusado at ituturn-over sa issuing court sa lalong madaling panahon.

“Ang accomplishment na ito ay direktang resulta ng inter-unit collaboration at community support ng PNP sa ating pinaigting na kampanya laban sa mga taong pinaghahanap ng batas. Makakaasa ang publiko na pananatilihin natin ang pagtutulungang ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. Tulung-tulong tayo!”, sinabi ni PBGen Hernia.

Related Articles

Back to top button
Close