CommunityEnvironmentHeadlinesPalawan Affairs

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PALAWAN, NAKAHANDA SA BAGYO

Ni Vivian R. Bautista

ILANG araw nang nakakaranas ng tuloy-tuloy na pag-ulan na may kasamang hangin ang lalawigan ng Palawan na dala ng Super Typhoon Karding na nananalasa magpahanggang sa ngayon sa gitnang Luzon.

Sa Social Media post ni Palawan Governor V. Dennis M. Socrates, personal niyang tinungo ang Punong tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), ngayong araw ng Lunes ika-26 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ito ay upang matiyak na sapat ang imbak na relief goods ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para sa mga posibleng maapektuhan ng ST Karding, isa sa pinakamalakas na bagyo ngayong taon.

Photo//Gov. Dennis M. Socrates FB Page

Ayon kay PDRRM Officer Jeremias Alili, agaran umano ang kanilang isinagawang inventory sa mga nasabing suplay, kasabay ng pag-activate sa Provincial Government Emergency Operations Center (EOC).

Inalam din ng gobernador ang kahandaan ng Pamahalaang Panlalawigan pagdating sa suplay ng mga pagkain at non-food items sakali mang kailanganin ang mga ito.

Bukod pa rito, ay inalerto na rin umano ng pamahalaang panlalawigan ang dalawang yunit ng Provincial Rescue Team nito, at pati na rin ang mga heavy equipment para sa mga kakailanganing responde sa norte at sur ng palawan.

Related Articles

Back to top button
Close