CommunityEnvironmentMetro PuertoTourism

CITY TOURISM OFFICE, NAG-ORGANISA NG FAMILIARIZATION TOUR SA GINTONG BUTIL AGRI FARM

Ni Clea Faye G. Cahayag

BILANG bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Tourism Month ngayong buwan, ang City Tourism Office sa pakikipagtulungan ng City Agriculture Office ay nag-organisa ng isang familiarization tour sa Gintong Butil Agri Farm.

Ito ay isinagawa noong araw ng Linggo, ika-25 ng Setyembre kung saan nabigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang travel agencies, tour guides maging ang lokal na midya sa Palawan na makapaglibot sa loob ng farm at masilayan ang bagong pasyalan.

Ang mga atraksyon na makikita sa lugar ay kinabibilangan ng Bamboo Demo Garden, Citrus -based farming system, fishpond/aquaponics, Cacao scion grove & seed graden, Calamansi scion grove, urban/containerized garden demo, vegetable garden demo, Cashew-based farming system, plant nursery pocket park/garden, farm animals & forage crop, herbs & spices garden, Coco-based farming system, multipurpose hall, fertilizer & biopesticide production area, garden of hope/reflexology hallway, flower garden, hanging bridge, display center, Mango scion grove, cut flower & ornamental plants cultivation demo, first aid at poultry house.

Ang Gintong Butil Agri Farm ay may lawak na 50 ektarya. Sa kasalukuyan nasa 40 ektarya pa lamang ang nai-dedebelop sa lugar at ang natitirang 10 ektarya ay nakalaan para sa pagpapalawak pa ng vegetable at fruit seed production na inaasahang maisasakatuparan sa susunod na taon.

Photo//REPETEK

Ito ay matatagpuan sa km. 27, South National Highway, Barangay Sta. Lucia, Puerto Princesa City.

53 katao ang nangangalaga at nagmimintina sa nabanggit na farm.

Nagpasalamat naman ang City Tourism Office sa lahat ng mga partisipante na nakiisa sa aktibidad at hinikayat ang mga travel agency operator na isama sa kanilang mga pinapasyalang lugar ang Gintong Butil Agri Farm para matulungan na mai-promote ang lugar.

Sa kasalukuyan, walang entrance fee na ipinatutupad ang pamunuan nito. Ito ay bukas lamang sa publiko tuwing araw ng Sabado at Linggo mula alas nuwebe ng umaga (9:00am) hanggang alas singko ng hapon (5:00pm).

Matatandaan, ito ay pinadapa din ng nagdaang bagyong Odette kung saan tinatayang aabot sa isang milyon ang iniwan nitong pinsala. Sa ngayon, nasa 80% na ng parke ang nakakarekuber.

Related Articles

Back to top button
Close