BusinessCommunityMetro Puerto

PAGBILI NG MGA CCTV, HINILING NA MAISAMA SA ANNUAL BUDGET 2023

Ni Clea Faye G. Cahayag

UPANG matugunan ang kakulangan at mapalitan ang mga hindi gumaganang Closed-Circuit Television o CCTV sa lungsod hiniling ng Committee on Peace and Order and Public Safety na maikonsidera na maisama sa binabalangkas na annual budget ng lokal na pamahalaan para sa taong 2023 ang pagbili ng mga bago at karagdagang CCTVs.

Ayon sa pag-uulat ng naturang komite na pinamumunuan ni City Councilor Jimmy Carbonell, batay sa isinumiteng report ng Puerto Princesa City Incident Command Center mayroong 113 CCTVs ang naka-install sa mga strategic areas ng siyudad kung saan 59 nalang dito ang serviceable at ang natitirang 54 ay non- serviceable.

Binigyang diin ng Konsehal ang kahalagahan sa pagkakaroon ng mga CCTVs lalo na pagdating sa seguridad at pagresolba ng mga krimen.

Kaugnay nito, ang Patrol 117 at 911 ay nagsagawa rin ng random inspection sa mga establisyimento sa lungsod upang tiyakin na ang mga ito ay sumusunod sa probisyon ng Ordinance No. 690.

Related Articles

Back to top button
Close