CommunityEnvironmentFlora and FaunaMetro PuertoPalawan Affairs

SAMU’T-SARING MGA TABLA NG IPIL SA RIZAL, PALAWAN, NAKUMPISKA NG PCSDS-WEU AT NISGW

Ni Vivian R. Bautista

SAMU’T-SARING mga tabla ng Ipil na 577 board feet ang nakumpiska ng PCSDS Wildlife Enforcement Unit, kasama ang Naval Intelligence Security Group West (NISGW), sa Sitio Tagawtawan, Bunog, Rizal, Palawan, noong ika-19 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ayon sa Facebook post ng tanggapan ng PCSD, binabalaan umano nila ang publiko na labag sa batas o ilegal na pagmamay-ari ng wildlife species, parehong flora at fauna, ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas at may parusa sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Ang mga nasamsam na Ipil ay nai-turn over na sa MENRO-Rizal sa pamamagitan ng Office Head na si Jenel Joy C. Torres dakong 2:00 ng hapon noong ika-20 ng Setyembre.

Paalala ng PCSDS, ang sinumang makakaalam ng anumang ilegal na aktibidad na may kinalaman sa wildlife species na iulat ang mga ito at mangyari lamang na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o tumawag sa kanilang hotline ng PCSDS Wildlife Enforcement Unit (WEU) sa (TNT) 09319642128 at TM 09656620248, o sa pamamagitan ng PCSDS Front Desk hotline sa (Globe/TM) 0935-116-2336 at (Smart/TNT) 0948-937-2200.

Samantala, maaari ring magpadala ng mensahe sa kanilang Facebool page para sa iba pang alalahanin.

Batay sa mga mandato, ang PCSD ay isang katawan sa paggawa ng patakaran, pagsubaybay, pag-coordinate, at pagpapatupad ng patakaran.

Related Articles

Back to top button
Close