CommunityFlora and FaunaHeadlinesMetro Puerto

3RD DISTRICT CONG. HAGEDORN, NAGHAIN NG HOUSE BILL 4885 UPANG GAWING NON-WORKING HOLIDAY SA LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA ANG IKA-30 NG MARSO

Ni Vivian R. Bautista

NAGPASA ng panukalang batas si Palawan 3rd District Congressman Edward S. Hagedorn upang gawing non-working holiday ang ika-30 ng Marso kada taon sa Lungsod ng Puerto Princesa sa pamamagitan ng House Bill 4885.

Ayon sa Facebook post ng kongresista, layon ng nasabing panukala ay upang gunitain ang anibersaryo ng pagkakadeklara ng lungsod bilang “City of the Living God.”

Ang nasabing Bill ay batay sa inihain sa 16th Congress, na itinaguyod umano ni dating Congressman Douglas S. Hagedorn at katuwang na ipinakilala kasama si Eddie Villanueva ng CIBAC Party List.

Matatandaang, ang Puerto Princesa ay binigyan ng titulo noong ika-4 ng Hunyo, 2012 sa pamamagitan ng Sangguniang Panglungsod Resolution Nos. 770-2010 at 579-2012 at pinangungunahan ng Executive Order No. 13.

Ito ay ginawa dahil umano sa katotohanan na ang lungsod ay biniyayaan ng masaganang likas- yaman, mayamang flora at fauna, at tahanan din ng isa sa New Seven Wonders of Nature- ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) na ipinagmamalaki ng lungsod.

Ang Lungsod ng Puerto Princesa ay maituturing na isang ligtas na kanlungan dahil sa bihira lang ito makaranas ng malalakas na bagyo at ligtas din sa lindol.

Kinilala rin ang lungsod bilang pinakamalinis at pinakamaberdeng lungsod sa bansa, may magandang natural na kapaligiran na kinabibilangan ng magagandang beach at malinis na kagubatan.

Related Articles

Back to top button
Close