CommunityEventsHealthPalawan AffairsPolice Report

KASIMBAYANAN OUTREACH PROGRAM, ISINAGAWA SA CHEEY ELEMENTARY SCHOOL BUSUANGA, PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

NOONG ika-28 ng Setyembre taong kasalukuyan ay isinagawa sa Cheey Elementary School-Lacdayan Annex Bayan ng Busuanga, Palawan ang KASIMBAYANAN Outreach Program.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina PSMS. Allen Noel Ortiaga, PSSg. Chito Gadiano, PCPL Cris Gadiano, PSSg. Rheiner Aban at ni PSMS. Rossy De Guia sa ilalim ng pangangasiwa ni Busuanga PNP-MPS Chief Plando, sa pagkikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP), Lokal na Pamahalaan ng Busuanga, mga guro ng DepEd, mga opisyal ng Barangay at mga Religious Leaders na ayon sa Facebook post ng Busuanga Public Information.

Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng higit na malapit na ugnayan ang tatlong (3) sektor sa komunidad sa pamamagitan umano ng pagtulong sa iba’t ibang problema ng mga mamamayan at pagkakaloob ng mga programang makakatulong sa mga barangay.

Iba’t ibang libreng serbisyo rin ang ipinagkaloob sa mga residente at mga bata gaya nang pagbabakuna kontra Covid-19, libreng gupit, tuli, pedicure, libreng bunot ng ngipin sa pangunguna ni Dr. Edward Quetuliuo.

Nagkaloob din sila ng libreng konsultasyon at gamot kasama si Dr. Lesaldeo Moses Princesa at RHU Team.

Naging parte rin ng naturang aktibidad ang pagtuturo ng moral values sa mga bata sa pamamagitan ng mga religious leaders sa nasabing bayan na sina Ptr, Al Pateño, Ptr. Noel Escultor, at Ptr. Joselito Haiga.

Ang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan) ay programa ng Philippine National Police katuwang ang Lokal na Pamahalaan at Religious Leaders.

Samantala, sa ilalim ng kanilang programang KASIMBAYANAN, ang PRO1 ay naglunsad ng walang humpay na kampanya laban sa kriminalidad, iligal na droga, katiwalian at insurhensiya gamit ang isang formula na kung saan ang mga yunit ng lokal na pamahalaan, ang kapulisan, ang Simbahan at ang komunidad ay nagtutulungan, at nangakong magtutulungan.

Related Articles

Back to top button
Close