CommunityHeadlinesMetro PuertoPalawan Affairs

NILA G. MOMO, BAGONG MIYEMBRO NG BOARD OF DIRECTORS NG PALECO

Ni Clea Faye G. Cahayag

MAYROONG bagong miyembro ang Board of Directors ng Palawan Electric Cooperative (Paleco).

Ito ay kinilalang si Ms. Nila G. Momo, residente ng Purok Masagana, Barangay Poblacion 1, Brooke’s Point, Palawan.

Siya ay lone candidate para sa BOD ng District VII na nasasakupan ng mga munisipyo ng Brooke’s Point, Sofronio Espanola, Bataraza at Balabac. Nakakuha siya ng 19 votes sa katatapos lamang na district election noong ika-24 ng Setyembre taong kasalukuyan na isinagawa sa Paleco Brooke’s Point Satellite Office.

Nakasaad sa Section 5, Article 1 ng Paleco Election Code ang lone candidate o isang kandidato ay maaaring manalo kahit isa lamang ang bumoto sa kanya.

Si Momo ay miyembro na rin ng district electrification committee ng District VII sa loob ng 11 taon.

Siya ay nagtapos sa Leyte State University ng kursong BS in Elementary and Secondary Education Major in Natural Science at Master in Management sa Philippine Christian University.

Nagsimula siya sa Department of Education (DepEd) bilang Teacher 1 at kalauna’y naging Public Schools District Supervisor sa Bataraza District ll at nagretiro sa serbisyo nito lamang ika-1 ng Enero 2022.

“I firmly believe that my services will not end in honing the youth and honing the teachers but I also believe that I can still extend my services on other human needs,” ang naging pahayag nito.

Related Articles

Back to top button
Close