CommunityFeatureHeadlinesNational and InternationalPalawan Affairs

TATLONG TAGA PALAWAN, KABILANG SA 433 LUCKY BETTORS NA NANALO SA ISINAGAWANG BOLA NG 6/55 GRAND LOTTO NOONG SABADO

Ni Kate Peredo

TATLONG TAGA PALAWAN, KABILANG SA 433 LUCKY BETTORS NA NANALO SA ISINAGAWANG BOLA NG 6/55 GRAND LOTTO NOONG SABADO

Tatlong taga Palawan ang kabilang sa 433 lucky bettors na nanalo sa isinagawang bola ng 6/55 Grand Lotto nitong Sabado ng gabi, Oktubre 1.

Ang kabuuang premyo ay aabot sa ₱236,091,188.40 nang mahulaan umano ng mga ito ang winning combination na 9, 45, 36, 27, 18, at 54.

Ang nasabing draw ay isinapubliko ng government-owned na People’s Television Network (PTV-4).

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, paghahatian ng 433 na nanalo ang nasabing premyo at nangangahulugang makatatanggap ng ₱545,245.24 ang bawat isa sa mga ito.

Samantala, sa isang pressconference ngayong araw ay nanindigan ang PCSO na walang iregularidad at isang “natural occurence” lamang ang pagkakapanalo ng 433 mananaya sa Grand Lotto draw.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, ang karamihan umano ng mga mananaya ay kumapit sa numerong “9” na maituturing na lucky number, kasama na rin ang mga multiples nito.

“Since this is a game of chance, there is no right, there is no wrong, alam niyo ‘yun. In this case nga, tinamaan nila ‘yun.
Nag-pay off ‘yung kanilang loyalty, kaya nga lang marami talaga sila,” ani Robles.

Paghahayag rin ng PCSO, bago pa lamang ang draw noong Sabado, marami na umanong mga mananaya ang nagpuwesto ng kanilang mga numero na pawang mayroong numero “9” o mga multiples nito na mayroong 33 mananaya noong Setyembre 20 samantala 264 mananaya noong Setyembre 26.

“We have found nothing wrong. In fact it’s a natural occurrence na may mga nag-aalaga at may maraming nananalo kapag tinamaan ‘yun,” pagdidiin ni Robles.

“Wala kaming nakikitang babaguhin doon and we are in fact pleased na marami ang nanalo, actually, lalo’t magpapasko,” dagdag pa niya.

Samantala, kataka-taka naman para kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagkapanalo ng aabot sa 433 lotto bettors.

Dahil dito ay nais niyang ipabusisi sa pamamagitan ng pagdinig sa Senado ang tinawag niyang “strange at unusual” na insidenteng ito.

Related Articles

Back to top button
Close