CommunityEnvironmentPalawan Affairs

4 – NA KARAGDAGANG MIYEMBRO NG COAST GUARD SECURITY AND BORDER PROTECTION SERVICE, PORMAL NANG IPINAKILALA

Ni Vivian R. Bautista

PORMAL nang ipinakilala noong ika-30 ng Setyembre taong kasalukuyan ang apat (4) na karagdagang miyembro ng Coast Guard Security and Border Protection Service (CGSBPS) sa pangunguna ni CG P/ENS Apollo Emilio R. Luna matapos na sila ay mag-courtesy call kay Commander, Coast Guard District Palawan (CGDPAL), CG Commo. Rommel A. Supangan.

Ayon sa Facebook post ng Coast Guard District Palawan, ang apat (4) na itinalagang miyembro ng CGSBPS ay ipapakalat sa lalawigan sa ilalim ng Coast Guard Security and Border Protection Unit – Palawan (CGSBPU-Pal).

Ang mga miyembro ng CGSBPU-Pal ay ilalagay sa ilalim ng operational command and control ng CGDPAL na itatalaga sa anim (6) na Command Observation Posts (COPs) sa mga isla ng Patag, Lawak, Likas, Panata, Pag-asa, at Parola bilang bahagi ng kanilang tour of duty sa Kalayaan Island Group (KIG) sa West Philippine Sea.

Photo// Coast Guard District Palawan

Ang pangunahing tungkulin ng CGSBPS ay pangalagaan at pamahalaan ang mga hangganang pandagat ng Pilipinas at pataasin ang maritime domain at situational awareness ng PCG sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maritime at seaborne patrol operations.

Ang mga naturang misyon ay nakakatulong umano na isulong ang pag-unlad at paglago ng PCG sa mga tuntunin ng mga aktibidad sa pangangalap ng intel, pagtuklas ng mga banta, at pagpigil sa mga ilegal at labag sa batas na aktibidad sa loob ng hurisdiksyon ng dagat na sakop ng bansa.

Samantala, nag-courtesy call din ang mga miyembro ng Coast Guard K-9 Force sa Commander, CGADPAL bago I-deploy sa Palawan sa ilalim ng Coast Guard K-9 Field Operating Unit-Palawan (CGK-9 FOU-Pal).

Related Articles

Back to top button
Close