CommunityEnvironmentFlora and FaunaHeadlinesMetro Puerto

KAUNA-UNAHANG PPCSD REGULAR MEETING, NAGING MATAGUMPAY

Ni Vivian R. Bautista

MATATANDAANG, noong ika-8 ng Setyembre ay inaprubahan ng PCSD ang panukala para sa paglikha ng Puerto Princesa City Sustainable Development (PPCSD) na layon ay upang mabigyan ng kalayaan ang siyudad na maipatupad ang sariling polisiya sa loob ng kanilang nasasakupan.

Noong ika-20 ng Oktubre taong kasalukuyan ay matagumpay ang kauna-unahang Regular Meeting ng Puerto Princesa Council for Sustainable Development (PPCSD) na ginanap sa Conference Room 1, New City Hall Building, Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan nina Mayor Lucilo Bayron bilang Chairman at ni PCSDS Acting Executive Director Nino Rey Estoya bilang Secretary.

Photo//PCSD

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina Vice Mayor Nancy Socrates na itinalaga bilang Vice Chairman ng PPCSD, Kagawad Jimmy Carbonell, Kagawad Andres Baaco III, Col. Rey M. Bes, at RD Agustin Mendoza naman sa pamamagitan ng Zoom ayon sa ibinahaging Social Media post ng PCSD.

Sa pangangasiwa ni Mayor Lucilo Bayron ay pormal nang nanumpa para sa kanilang tungkulin ang mga miyembro ng PPCSD.

Kaugnay nito, inaasahang magaganap sa ika-10 ng Nobyembre ang susunod na pagpupulong na kung saan isa sa mga pangunahing agenda ay ang magaganap na nominasyon ng mga kinatawan mula sa Business Sector at Non-Governmental Organizations bilang miyembro ng PPCSD.

Samantala, sa pamamagitan ng PPCSD ay mas mailalapit umano ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga programa at serbisyo sa mga stakeholders at partners nito.

Related Articles

Back to top button
Close