BusinessEntertainmentEnvironmentEventsFeatureHeadlinesPalawan AffairsTourism

PILIPINAS, NANGUNA BILANG PREMIERE DIVE DESTINATION SA DEMA SHOW 2022

Ni Vivian R. Bautista

KAMAKAILAN lang ay kinilala ang Pilipinas bilang Asia’s Leading Dive Destination sa World Travel Awards 2022 na ginanap sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Sa pangunguna ng Department of Tourism (DOT) at Tourism Promotions Board (TPB) Philippines, buong puwersa ang Pilipinas upang iposisyon ang bansa bilang pangunahing destinasyon ng dive sa Diving Equipment and Marketing Association (DEMA) Show 2022 na nagsimula noong ika-1 hanggang 4 ng Nobyembre taong kasalukuyan na ginanap sa Orange County Convention Center, Orlando, Florida, USA.

Ayon sa ibinahaging Social Media post ng DOT Philippines, opisyal nang binuksan ang booth ng Pilipinas sa DEMA Show at duon ay itinampok ang pinakamagagandang dive site sa bansa na kinabibilangan ng Batangas,Cebu, Bohol at Palawan, itinampok din sa nasabing kaganapan ang mga aktibidad gaya ng sardine run, reef wall snorkeling, dolphin watching, wreck diving at iba pa.

Umaasa si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ang pakikilahok ng Pilipinas sa mga international trade show tulad ng DEMA Show ay magiging hudyat umano ng malakas na pagbabalik para sa dive industry ng bansa.

Photo // DOT – Philippines

“We are elated that our national government has been supporting the dive industry ever since and we are more than ready to welcome dive professionals and enthusiasts from all over the world. Our 7,641 islands, tropical climate, accommodating locals, diverse marine life, and world-renowned underwater sites await you here,” ani DOT Secretary Garcia-Frasco.

Bukod dito, ang PCSSD na isang attached agency ng DOT na namamahala sa marine sports ay naglaan kamakailan ng budyet na aabot sa Php 9.53 milyon sa unang pagkakataon ng pambansang pamahalaan para sa mas pinaigting na dive tourism promotion at development.

Ang deligasyon ng Pilipinas ay nagdagdag ng mga kinatawan mula sa DOT Calabarzon, Central Visayas, Eastern Visayas, at Davao, TPB Philippines, at ang Philippine Commission on Sports Scuba Diving (PCSSD) kasama ang dive resorts and operators tulad ng The Crystal Blue Resort, Magic Resort Philippines, Discovery Fleet, Kasai Village Dive Resort, Scandi Divers, El Galleon Resort/ Asia Divers, Buceo Anilao Beach & Dive Resort, Atmosphere Resort & Spa, Salaya Beach Houses, Atlantis Dive Resort and Liveaboard, Arkipelago Divers & Beach Resort, Reef Haven Scuba Diving School, Sea Explorers Philippines, Marco Vincent Dive Resort and Club Aquasports Dive Center.

Bukod sa mga business meeting at networking session, ang Philippine booth ay nagsilbi rin sa malawak na pagkakataong pang-edukasyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng country presentations at information dissemination tungkol sa kamakailang pag-unlad sa Philippine dive industry.

Related Articles

Back to top button
Close