BusinessFeatureHeadlinesMetro Puerto

PAMILYA GATCHALIAN, PLANONG MAG-INVEST SA PUERTO PRINCESA

Ni Clea Faye G. Cahayag

SA flag raising ceremony ng City Government araw ng Lunes, ika-7 ng Nobyembre taong kasalukuyan inanunsyo ni Punong Lungsod Lucilo Bayron ang planong pag-invest ng pamilya Gatchalian sa Puerto Princesa.

Ayon sa Alkalde, nagpahayag ng interes ang pamilya matapos ang isinagawang investment briefing sa kamaynilaan.

“Ininvite kami sa dinner ng pamilya Gatchalian yung mga department heads tingin ko lahat tayo sumurender sa dami ng pagkain. Ang daming natira dahil ang daming inorder, hindi yung pagkain ang kinatutuwa ko kundi yung statement ni Mr. William Gatchalian, yung tatay ni Sen. Gatchalian tsaka yung tatay ng Mayor ng Valenzuela City.

Ang sabi niya, Mayor maaasahan mo ang Gatchalian family will invest a big sum of money dito sa Puerto Princesa. Sabi niya baka kami ang lalabas na pinakamalaking investor sa lungsod ng Puerto Princesa,” batay sa naging anunsyo ng Alkalde.

Ani Bayron, kung ito ay maisasakatuparan makapagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga mamamayan ng lungsod.

“At napakaganda ng binitiwan niyang salita na yun kaya sabi ko kung matutuloy yun dagdag na employment opportunities sa mga mamamayan ng lungsod ng Puerto Princesa,” ayon pa kay Bayron.

Sa isinagawang business forum, tinuran ng Alkalde na ito ay dinaluhan ng nasa 288 potensyal na mga investors kabilang ang Philippine Chamber of Commerce, Board of Investment at mga ambassadors mula sa iba’t ibang mga bansa.

“Naka-invite tayo ng 288 na potential investors, iba’t ibang field yung kanilang field of investment, walong (😎 foreign at yung Philippine Chamber of Commerce. Naimbita natin yung Board of Investment nandodoon [at] katorse (14) embassy’s. Nagulat ako, yung ambassador ng Thailand lumapit sa akin at sinabi niya na doon sa kanila, Phuket yata yung sinabi niya ay tumatanggap sila ng mahigit 25 milyon na turista. Sabi niya kung magkaroon tayo ng direct flight I can promise you will bring mome tourists to Puerto Princesa dahil maganda ang dating ng Puerto Princesa sa amin,” pag-uulat pa ng Alkalde.

Sa forum, binanggit ni Bayron na ilan lamang sa dahilan kung bakit maganda mag-invest sa lungsod dahil ito ay earthquake free, volcanic free at wala rin umanong overcrowding issues.

Ipinagmalaki rin nito ang target ng lungsod na maging “Convention Capital” ng bansa. Ang City Government ay mayroong dalawang project sites ang harbor view project sa environmental estate at ang Quito bay view project.

“This area is open for investment in the construction and establishment of a large convention center, hotels, night time economy and tourism destinations,” ang bahagi ng pananalita ni Bayron sa katatapos lamang na business forum.


Related Articles

Back to top button
Close