EnvironmentFlora and FaunaPalawan Affairs

BANTAY GUBAT NG KATALA FOUNDATION INC., SUMAILALIM SA PAGSASANAY NG PCSDS UKOL SA WILDLIFE ENFORCEMENT AND CAPACITY BUILDING

Ni Vivian R. Bautista

ISA ang pangangaso sa pangunahing dahilan kung bakit nahaharap ang isang uri ng hayop mula sa panganib ng pagkaubos na maaaring makaapekto sa ecosystem, upang matugunan ito sumailalim sa limang (5) araw na pagsasanay ang mga miyembro ng Katala Foundation Incorporated (KFI) na nangangalaga sa mga buhay ilang sa lalawigan, ito ay ginanap sa Ysidore’s Resort, Barangay 3, Roxas noong ika-14 hanggang 18 ng Nobyembre taong kasalukuyan na nilahukan ng mga opisyal ng barangay at mga miyembro ng komunidad ng Northern Palawan.

Ang nasabing pagsasanay ay pinangasiwaan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), Environmental Legal Assistance Center (ELAC) at Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center (PWRCC) sa pakikipagtulungan ng Katala Foundation Inc. na layon ay bigyan ng naaangkop na kaalaman at kasanayan ang mga Bantay Gubat ng KFI ukol sa pagtugon sa tumataas na kaso ng pangangaso at iba pang illegal wildlife practices sa Palawan batay sa social media post ng PCSD.

Kabilang sa mga tinalakay sa naturang aktibidad ay hinggil sa Strategic Environmental Plan for Palawan (RA 7611); mga Polisiya at Mandato ng PCSD; Wildlife Conservation and Protection Act (RA 9147) at mga kaugnay sa Administrative Orders ng PCSD (AO12); Convention on International Trade in Endangered Species (CITES) at International Union for Conservation of Nature (IUCN) provision and Philippine Biodiversity: State values and significance nito.

Kasama rin dito ang talaan ng mga nanganganib na Species (PCSD Res. 10-413); Ang mga uri ng wildlife ay karaniwang napapailalim sa trafficking – parehong domestic at international; mga pamamaraan na ginagamit ng mga wildlife trafficker upang itago ang buhay ilang; at pati na rin ang halimbawa ng mga permit at kung ano ang mga hahanapin sa pagsusuri ng permit.

Bukod dito, saklaw din ng pagsasanay ang Legal Framework para sa pagpapatupad ng Batas sa Wildlife; Chainsaw Act (RA 9175); Caves Act; pagkilanlan sa mga uri ng buhay ilang at tamang paghawak nito; dokumentasyon ng mga larawan sa pinangyarihan ng krimen at ebidensya na may tag; paghahanap, pag-aresto at pag-agaw (kabilang ang mga pamamaraan para sa paghawak sa taong inaresto at mga nasamsam na bagay); at marami pang iba.

Ang pagsasanay na ito ay nakasalalay din umano sa pagtataguyod at pagpapatupad ng pamahalaan para sa pagtamo ng mga hakbangin sa pangangalaga sa (Flora and Fauna) at proteksyon nito sa Pilipinas.

Related Articles

Back to top button
Close