EnvironmentFeatureHeadlinesMetro PuertoPalawan Affairs

THRESHOLD LEVEL NG SUPER TYPHOON, IBINABA SA 185 KM/H

Ni Clea Faye G. Cahayag

SIMULA taong 1951 hanggang 2020 mayroong isang daang (100) average ng bagyo sa buong mundo. Mula sa kabuuan, 30 dito ang nabubuo sa pacific ocean, 20 ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR at nasa 10 ang tumatama sa kalupaan batay sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa isinagawang DRRM Orientation for Information Officers and Media Partners tinuran ni Senior Weather Specialist Sonny Pajarilla ng DOST- PAGASA Puerto Princesa ang isang Super Typhoon ay mai-uugnay sa climate change.

“Most likely, dahil ang nagfefeed po talaga sa bagyo ang tinatawag nating latent heat of evaporation. The more na mas mataas yung surface temperature ay mas mabilis ang rate of evaporation. Yun po yung teknikal na correlation ng climate change, yung global warming atsaka yung intensification,” ani Pajarilla.

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.

Ayon sa impormasyon mula sa Department of Health (DOH) dalawa ang nagiging sanhi ng climate change. Una, ang natural na pagbabago ng klima dahil sa pinagsamang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura.

At pangalawa, ang mga gawain ng tao na nagreresulta ng pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases.

Batay naman sa pinakabagong tropical cyclone category ng PAGASA, ang Tropical Depression (TD) ay 61 km/h o mas mababa (wind signal 1), Tropical Storm (TS) – 62-88 km/h (wind signal 2), Severe Tropical Storm (STS)- 89-117 km/h (wind signal 3), Typhoon (TY) 118-184 km/h (wind signal 4) at Super Typhoon (STY) 185 km/h o mas mataas pa.

Dagdag pa ni Pajarilla, dahil binabaan ang threshold level asahan umano na mas marami ang papasok sa kategoryang Super Typhoon.

“Mas dadami na ang Super typhoon hindi talagang sa dadami per se kundi binabaan po natin ang threshold ng isang Super typhoon dati kasi 220 or more ngayon 185 km/h ay Super typhoon na po tayo,” pahayag pa nito.

Ang isang bagyo ay tinatawag na tropical cyclone dahil ito ay umiikot ng counter clockwise sa northern hemisphere at clockwise sa southern hemisphere.

Ito ay nagmumula sa tropical oceans at nabubuo sa cyclogenesis na mayroong 5-10 degree celcius latitude. May bilis ng hangin mula 40kph hanggang 300 kph at diameter ng 300km hanggang 1000 km.

“Ang requirement na dapat magbubuo ang bagyo, mataas na sea surface temperature ibigsabihin atleast 27 degree celsius [at] mahina yung hangin mas mababa at least 5 meters per second,” ayon pa sa opisyal.

Related Articles

Back to top button
Close