CommunityHeadlinesHealthPalawan Affairs

MALNUTRISYON SA PALAWAN, PATULOY NA BUMABABA

Ni Saldivar P. Nagamacho

PINASALAMATAN ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga ‘nutrition warriors’ sa lalawigan dahil sa kanilang hindi matatawarang serbisyo para maisulong ang malusog na Palawan.

Nagtipon-tipon sa ginanap na BEANS Conference 2022 ang mahigit 1,000 Barangay Environment, Agriculture and Nutrition Scholars kasama ang kani-kanilang Municipal Nutrition Action Officers (MNAOs), Nutrition Aides, mga Punong Barangay at iba pang Nutrition-Related Workers ng bawat barangay mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan.

Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, layunin ng ikinasang kumperensya na lalo pang mapaunlad ang kaalaman ng mga nabanggit na manggagawa at tututukan din ng bawat barangay ang iba’t ibang programa at aktibidad na makatutulong sa patuloy na pagpapababa ng Malnutrition Prevalence Rate (MPR) ng buong probinsiya.

Masayang ibinalita ni Gng. Ma. Eileen B. Blanco, Regional Nutrition Program Coordinator-National Nutrition Council (NNC) bilang kinatawan ni Assistant Secretary and Executive IV-NNC Dra. Azucena Dayanghirang ang tuloy-tuloy na pagbaba ng MPR ng lalawigan.

“Over the past years, natutuwa po kaming ipaalam na consistent po ang pag decreased ng prevalence rate ng malnutrition sa Palawan. Alam niyo po ng Palawan noon, very problematic, pero unti-unti bumababa which is a good sign na ipinapakita na lahat ng mga intervention na ibinibigay ng probinsiya, ng national man, nagtutulungan lahat ng sector ay very effective and efficient,” ani Blanco.

Matatandaan base sa datos, bumaba ang MPR ng Palawan pagdating sa underweight at severely underweight na mga batang Palawenyo nitong nakalipas na taong 2021 na 7.05 porsiyento kumpara sa nakaraang taong 2020 na 8.65 porsiyento.


Samantala, personal na dumalo sa naturang aktibidad sina Bise Gobernaor Leoncio N. Ola, BM Juan Antonio E. Alvarez bilang kinatawan ni Gobernador Dennis M. Socrates, BM Marivic H. Roxas, BM Ryan D. Maminta kasama sina Dra. Justyne F. Barbosa ng Provincial Health Office at DILG-Palawan Dir. Virgilio Tagle. Kasama rin sina Atty. Che Ann Mae G. Flores ng Palawan Council for Sustainable Development at G. Soccorro S. Tan na kabilang sa mga nagsilbing speakers.

Related Articles

Back to top button
Close