BusinessFeaturePalawan Affairs

MGA KINATAWAN NG WENERGY GLOBAL, TOKYO ELECTRONIC POWER CORPORATION (TEPCO) POWER GRID AT GREENWAY GRID GLOBAL, BUMISITA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

BUMISITA sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan noong ika-24 ng Nobyembre ngayong taon ang mga kinatawan ng WEnergy Global, Tokyo Electronic Power Corporation (TEPCO) Power Grid at Greenway Grid Global upang makipagpulong.

Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga plano ng naturang investment delegation na makapagbigay umano ng serbisyo sa lalawigan partikular na sa mga lugar na nangangailangan ng renewable energy infrastructure na mas tipid at ligtas sa kapaligiran.

Ang nasabing deligasyon ay nakipagpulong kina Board Member Juan Antonio E. Alvarez, Office of the Governor Development Officer May C. Lacao at BM Ryan D. Maminta na kumatawan kay Gob. V. Dennis M. Socrates na Chairman ng Energy, Oil and Gas Exploration Committee ng Sangguniang Panlalawigan.

Ang WEnergy Global umano ang siyang nangunguna sa Sabang Renewable Energy Corporation’s (SREC) project o ang “Sabang Project” na may 14 km smart micro-grid infrastructure energy provider.

Samantala, ang grupo ng investment delegation ay pinangunahan ni Mr. Yoshinori Kaneko, TEPCO Power Grid at Greenway Grid Global President, at Mr. Atem Ramsundersingh, CEO, WEnergy Global kasama ang ilan pang mga delegado ng nasabing korporasyon.

Sa kasalukuyan, labing-anim (16) na mga barangay mula sa mga bayan ng Bataraza, Dumaran, El Nido, Quezon, Rizal, San Vicente at Taytay ang nakaplano na at nakahanda nang pagtayuan ng renewable energy infrastructure.

Related Articles

Back to top button
Close