CommunityEnvironmentEventsMetro PuertoPalawan Affairs

PAGLULUNSAD NG “HARMFUL ALGAL BLOOM (HABs) WATCH PROJECT”, DINALUHAN NG PCSDS ECAN MONITORING AND EVALUATION DIVISION DMD – SOUTH

Ni Vivian R. Bautista

DINALUHAN ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) ECAN Monitoring and Evaluation Division (EMED) at District Management Division (DMD)- South ang paglulunsad ng “Harmful Algal Bloom (HABs) Watch Project” noong ika-21 ng Nobyembre taong kasalukuyan na ginanap sa Hue Hotel, Lungsod ng Puerto Princesa.

Sa pakikipagtulungan ng sampung (10) unibersidad sa Pilipinas kabilang na ang Palawan State University (PSU) at Western Philippines University (WPU), ang HABs Watch Project ay naglalayon umanong suriin at idokumento ang paglitaw ng nakapipinsalang algal bloom o ‘red tide’ sa Pilipinas gamit ang state-of-the-art Imaging Flow Cytobot (IFCB) batay sa ibinahaging social media post ng PCSD.

Ang IFCB ay isang in-situ automated submersible imaging flow cytometer na bumubuo ng mga larawan ng mga katiting na pumapasok sa sasakyang-dagat.

Ang mga Algal Bloom ay kadalasang sanhi ng dinoflagellate o diatoms ngunit maaari ding sanhi ng cyanobacteria.

Ang mga datos at larawang ito ay dapat umanong ipadala sa pamamagitan ng network kung saan maaari itong maproseso at masuri sa labas ng lugar.

Nilalayon din ng proyekto na ipatupad ang mga real-time na teknolohiya sa pagsubaybay para sa mapaminsalang algal blooms (HABs) o red tides, at bigyang kapasidad ang mga Pilipinong mananaliksik na may mga kaugnay na kasanayan at teknikal na kaalaman ukol sa pag-aaral ng mga HAB sa Pilipinas.

Pinondohan ng Commission of Higher Education ang proyektong “Real Time Monitoring and Early Warning for Harmful Algal Blooms (HABs) gamit ang High Throughput Imaging and Molecular Method (HABs Watch)” na pinangunahan ng UP Marine Science Institute sa ilalim ni Dr. Deo Florence Onda, Deputy Director for Research at ng University of California-Santa Cruz sa pakikipagtulungan kasama ang walong (😎 iba’t ibang HEI sa bansa.

Ang nasabing proyekto ay una nang nagsimula noong ika-1 ng Hulyo ngayong taon at tatagal hanggang sa Hunyo, 2024.

Samantala, dahil sa nasabing proyekto ang datos at impormasyon nito ay magiging instrumento ng PCSD sa pagsubaybay sa kapaligiran, pagsusuri, at pagpapaunlad ng patakaran at pagkukusa.

Related Articles

Back to top button
Close