CommunityEnvironmentFlora and FaunaMetro PuertoPalawan Affairs

PCSDS, NAKIISA SA ISANG LINGGONG PAGSASANAY NA PINONDOHAN NG U.S. DEPARTMENT OF STATE-BUREAU OF INTERNATIONAL NARCOTICS AND LAW ENFORCEMENT AFFAIRS (US – INL)

Ni Vivian R. Bautista

NAKIISA sa isang Linggong pagsasanay ukol sa Counter Transnational Organized Crime Course (CTOC) – Philippines ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) na ginanap noong ika-16 hanggang 20 ng Enero, taong kasalukuyan sa Cityscape Asturias Hotel, Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan.

Dumalo sa nasabing pagsasanay sina Glenn Destriza, Head ng EZMED-Enforcement Section at John Carlo Roquid na Wildlife and Environmental Crime Investigator sa ngalan ng PCSDS, habang si Acting Executive Director Niño Rey C. Estoya naman ang nagbigay ng kanyang pakikiisa.

Layon ng isang linggong pagsasanay na palakasin ang kapasidad ng mga opisina at opisyal na nagpapatupad ng batas sa Pilipinas na kontrahin ang Transnational Organized Crimes tungkol sa wildlife gayundin ang pagbuo ng networks of cooperation.

Ang nasabing pagsasanay ay pinondohan umano ng U. S. Department of State-Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (US – INL) at inorganisa ng FREELAND, World Wildlife Fund (WWF), International Fund for Animal Welfare (IFAW) kasama ang Tanggol Kalikasan, batay sa inilabas na impormasyon ng PCSD.

Isinagawa rin ito bilang pagtugis sa Targeting Regional Investigations for Policing Opportunities & Development (TRIPOD), isa pang proyektong pinondohan ng US – INL.

Sa pangunguna ng FREELAND at sa ipinatutupad ng IFAW at WWF, nilalabanan umano ng TRIPOD ang krimen sa wildlife at ginagambala nito ang mga wildlife trafficker sa Southesat Asia.

Layunin din nito na kilalanin, pangalagaan, at ibalik ang mga nakumpiskang wildlife pabalik sa kanilang mga angkop na tirahan.

Samantala, naroon din sa naturang kaganapan ang mga representante mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR), DENR – Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB), Bureau of Fisheries Agrarian Reform, National Bureau of Investigation (NBI).

Kabilang din sa mga dumalo ang Philippine National Police (PNP), PNP-Maritime, Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), Cebu Port Authority, Philippine Center for Transnational Crime, The Special Envoy on Transnational Crime, at Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Related Articles

Back to top button
Close