
PCSDS DMD-NORTH, DUMALO SA PAMB EN BANC MEETING UKOL SA MALAMPAYA SOUND PROTECTED LANDSCAPE AND SEASCAPE
Ni Vivian R. Bautista
DUMALO ang mga kinatawan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) District Division Management (DMD)- North sa isinagawang pagpupulong na ginanap sa Tay Lelong’s Pension House, Poblacion, Taytay noong ika-2 ng Pebrero, taong kasalukuyan.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga kahilingan at rekomendasyon ukol sa mga proyekto at programa na gustong ipatupad sa loob ng mga lugar na sakop ng Malampaya Sound Protected Landscape at Seascape, ayon sa ibinahaging social media post ng PCSD.
Ang Malampaya Sound ay isang protektadong lagusan sa South China Sea sa hilagang-kanlurang baybayin ng Palawan sa kanluran ng Pilipinas. Ito ay isang heograpikal na tunog na binubuo ng isang complex ng mga sheltered bays, cove, estero at isla na nakahiwalay mula sa dagat hanggang sa kanluran ng Copoas Peninsula.
Ang naturang pagpupulong ay naging posible sa pamamagitan ng Protected Area Management Board (PAMB) En Banc.
Bilang miyembro ng PAMB En Banc, ang PCSDS ay dumadalo umano sa mga regular na pagpupulong nito upang hatulan ang mga desisyon at deliberasyon ng En Banc, sa pamamagitan ng mandato at kaalaman ng PCSD sa pagpapatupad ng Strategic Environmental Plan (SEP) Law at mga kaugnay na patakaran sa tulong ng iba pang ahensya ng gobyerno at iba pang organisasyon.
Sa huling bahagi ng pagpupulong, pinag-aralan ng PAMB En Banc ang project proposal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng tree-cutting permit sa Sitio Ibangley, Barangay Abongan, Taytay, Palawan.
Sinuri din nito ang Large Marine Vertebrates Research Institute Philippines (LAMAVE) sa tatlong linya ng proyekto: 1. Marine Turtle Conservation Enhancement 2. Irrawaddy Dolphin Conservation Enhancement of National Rapid Bycatch Assessment ng mga threatened species sa loob ng Boundary ng MSPLS.
Tinalakay din sa nasabing kaganapan ang panukalang proyekto ng Ipil Fisherfolk Association sa Sitio Ipil, Barangay Bato, Taytay, at pati na rin ang resolusyon na nag-eendorso sa proyekto ng World Wide Fund (WWF) for Nature Philippines na pinamagatang “Plastic Waste Reduction in Small Island Fishing Communities” sa Taytay Bay.