HeadlinesPalawan Affairs

SDS NATIVIDAD BAYUBAY, PINATAWAN NG 90-DAY PREVENTIVE SUSPENSION

Saldivar P. Nagamacho

 90-Day preventive suspension ang ipinataw laban kay Schools Division Superintendent Natividad Bayubay habang nililitis siya sa kaso na may kaugnayan sa umano’y kurapsyon sa DepEd Palawan.

Base sa inilabas na preventive suspension order ngayong buwan ng Disyembre taong kasalukuyan na nilagdaan ni Kalihim Leonor Magtolis Briones ng Kagawaran ng Edukasyon nahaharap si Bayubay sa mga reklamong isinampa na Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service, Gross Neglect of Duty and Violation of Reasonable.

Ilan sa mga sinasaad sa nasabing reklamo ang umano’y patungkol sa pagsasagawa ng webinar sa mental health sa pamamagitan ng Division Memorandum No.152 series of 2020 kung saan ang mga pagdalo at pagbabayad ng registration fee na P2,000 kada kalahok na ang aktibidad ay isasagawa ng private training provider nang walang paunang pag-aaral tungkol sa kwalipikasyon nito. At wala rin umano paunang pagtatanong sa free Mental Health and Psychological Support Services mula sa DepEd Central Office na libre naman.

Kabilang din dito ang umano’y pagsasagawa ng Capacity Building Activities para sa mga School Heads and Teachers in Distance Learning sa pamamagitan ng pag-isyu ng Division Memorandum No. 097 na may registration fee na P4,500 kada kalahok ay nirequired, ‘to be charged against MOOE of the schools’ nang walang paunang pagsunod sa mga requirements sa ilalaim ng Republic Act 9184 at CSC-COA-DBM Joint Circular No. 1 series of 2017, at kung saan maraming mga kalahok ang nagbayad na ang hindi nabigyan ng refund sa kabila ng pagkansela sa nasabing seminar.

Ayon sa kautusan, nabigo umano si Bayubay na sagutin ang mga nabanggit na reklamo sa loob ng limang araw na ibinibigay sa kanya.

Pansamantalang inalis sa puwesto si Bayubay sa Schools Division Office ng DepEd Palawan upang maiwasan ang posibilidad na makapag impluwensya sa mga testigo o mapakialaman ang mga ebidensya laban sa kanya.

Matatandaan, inirereklamo si Bayubay ng mga matataas na lupon ng mga guro dahil umano sa kurapsyon, pagtrato sa mga guro, maluhong pamumuhay at liderato nito.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back to top button
Close