EnvironmentMetro Puerto

BABALA! MULING NAG-POSITIBO SA RED TIDE ANG PUERTO PRINCESA BAY

Ni Vivian R. Bautista

MULING nagpositibo sa Red Tide ngayong Abril- 30 ang Puerto Princesa Bay, ito ay base sa resulta ng isinagawang pagsusuri sa mga lamang dagat, ito ay isinagawa ng Lungsod ng Puerto Princesa katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ayon sa ahensyang nagsagawa ng pagsusuri lumalabas na Positibo sa Red Tide Toxin ang mga Shellfishes na may taglay na Paralytic Shellfish Poisoning o (PSP) Toxin level na may 191.74ugSTXeq/100g.

Para masigurong ligtas ang buhay ng mga mamamayan ay ibinaba ang Babala nang pagbabawal ng paghuli, pagkain at pagtitinda ng shellfishes at Acetes sp. kilala sa tawag na “alamang” na nakukuha sa Puerto Princesa Bay ito ay upang makaiwas sa pagkalason.

Pinaaalalahanan din ang publiko na ang mga lamang dagat na tulad ng Isda, Pusit, alimasag/alimango at iba pang nakakaing lamang dagat na hindi nabanggit sa taas ay ligtas kainin, pero dapat lang na ito’y hugasan ng mabuti, tanggalin ang mga lamang loob at linisan na maigi bago ito lutoin at kainin.

Mangyaring magabayan ng naaayon.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back to top button
Close