CommunityPalawan Affairs

E-PALENGKE, NAIS ITATAG KONTRA COVID-19

Ni Saldivar P. Nagamacho

NANINIWALA ang Sangguniang Panlalawigan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng electronic palengke sa mga munisipyo lalo na mataas pa rin ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Palawan.

Hinihikayat ang mga Local Government Units (LGU) sa lalawigan na magtatag ng e-palengke upang matulungan ang kanilang mga nasasakupan na mapanatiling ligtas at maiwasang mahawaan ng virus.

Ito ay sa pamamagitan ng Proposed Resolution No. 154-21 na may titulong “Enjoining all LGUs in Palawan to establish their respective Electronic Palengke (E-Palengke) to boost their local economy during pandemic times thru their MEEDO and public-private participation” na iniakda ni Board Member Eduardo Modesto V. Rodriguez.

Sa sponsorship speech ni BM Rodriguez, hiniling niya ang pagtatatag ng mga e-palengke sa bawat LGUs upang palakasin ang lokal na ekonomiya ng bawat munisipyo lalo’t higit mabigyang proteksyon ang mga residente na hindi na kinakailangan pang tumungo sa mga pamilihang bayan para bumili ng kanilang mga pangangailangan.

“Isa po sa mga bagay na puwede nating ihain ngayon ay tungkol sa pag-establish ng mga respective electronic palengke sa bawat local government units to be spearheaded by the Municipal Economic Enterprise Development Offices and public-private participation,” pahayag ni BM Rodriguez.

“Ito po ay isang malaking bagay na maitutulong sapagkat sa halip na ang mga local citizens po ay pumunta pa ng palengke and through the intervention of local government units palagay ko po ay malaki ang maitutulong nito ng sa gayo sila nalang po ang magdi-distribute ng mga pangangailangan sa pang araw-araw,”paliwanag niya.

Inaprubahan ang naturang panukalang resolusyon sa una at huling pagbasa sa ginanap na regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan.

Samantala, batay sa datos ng Palawan Emergency Operations Center (EOC) nitong ika-14 ng Mayo taong kasalukuyan ay nakapagtala na ng 223 bilang ng aktibong kaso ng mga tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back to top button
Close