EnvironmentPalawan Affairs

ILIGAL NA PANGINGISDA , NATIKLO NG MGA AWTORIDAD

Ni Saldivar P. Nagamacho

HINULI ng mga awtoridad ang bangkang ginamit sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Calabugtong, Bgy. Casian sa munisipyo ng Taytay kamakailan.

Ayon sa inilabas na incident report ng Coast Guatd District Palawan, habang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa Shark’s Fin Bay sa naturang munisipyo ay namataan ng awtoridad ng Sibaltan ang kahina-hinala at ‘di kilalang bangkang pangisda na sakay ng dalawang tao na gumagamit ng ipinagbabawal na compressor.

Base sa impormasyon, lumapit ang mga awtoridad sa nasabing bangka at habang nagsasagawa ng pagsisiyasat ay dito nila natagpuan ang ipinagbabawal na compressor.

Dahil dito, agad na hinuli ang bangkang pangisda dahil sa paglabag sa probisyon ng Section 9.23 o ang “Use of Air Compressor Within Municipal Waters of Taytay at “Unauthorized Use of Fishing Activities” sa ilalim ng Revised Municipal Fisheries Code of Taytay ng lalawigan ng Palawan.

Samantala, naturn-over naman ang mga nakuhang iligal na kagamitan na ginamit sa panggingisda sa kustodiya ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng munisipyo ng Taytay.

Photos//Coast Guard District Palawan

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close