Editoryal

SHORTCUT

MABILIS na biyahe sa pamamagitan ng pagbubukas ng bagong daan sa pagitan ng barangay Mandaragat patungong Abanico Road sa Barangay San Pedro at Purok Sandiwa sa Barangay Tiniguiban, papuntang Barangay Sicsican, ang layon ng gagawing viaduct na magsisilbing pandugtong ng mga kalsada na maaring daanan ng manlalakbay patungo sa Katimugang bahagi ng lungsod ng Puerto Princesa at ng lalawigan ng Palawan.

Sa pamamagitan ng viaduct na gagawin ay hindi na kailangan pang umikot ng mga biyahero papasok o palabas ng sentro ng lungsod papunta sa Southern areas kung kaya’t maiiwasan ang pagbigat ng trapiko sa National Highway na unti-unti nang nararanasan noong nakaraang taon.

Bibilis rin ang biyahe ng mga manlalakbay dahil sa nabawasan ang oras nito. Magiging madali ang pagpunta sa mga lalakarin ng mga tao at sa huli ay masasabing bibilis ang mga transaksiyon.

Maaring sabihin na may epekto ito sa mga establisyemento na hindi na palaging dadaanan ng mga nagbibiyahe dahil sa pipiliin na ng mamimili ang mga madadaanang tindahan na malapit sa viaduct. Ngunit maari ring sabihin na ang karamihan ng mamimili ay iikot pa rin sa mga suking tindahan o opisina dahil mabilis rin naman ang biyahe at maluwag at trapiko dito.

Maari ring mawalan ng tahanan ang ilang apektadong kabahayan ngunit maari naman itong mapalitan at tiyak rin na mababawasan ang polusyon sa mga apektadong lugar.

May epekto man ito sa ilan ay mas malaki ang positibong resulta kung sakaling magagawa na ang viaduct dahil sa mas marami ang makikinabang dito. Mawawala ang mahabang pila ng sasakyan kapag rush hour, mabilis ang daloy ng trapiko at paglalakbay, magkakaroon ng sapat na oras ang mga manlalakbay upang makarating nang maaga sa kanilang pupuntahan na kayang tapusin ang maraming transaksiyon sa buong maghapon, mababawasan ang usok na ibinubuga ng mga sasakyan habang nakahinto ang trapiko na mangangahulugan ng bawas din sa polusyon na dulot nito.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Check Also
Close
Back to top button
Close