Editoryal

GINTONG MEDALYA

SIMULA nang sumali sa Olympic Games ang Pilipinas noong 1924 ay ngayon pa lamang nakakuha ng gintong medalya ang ating delegasyon.Ito ay sa pamamagitan ni Hidilyn Diaz na nanalo sa weightlifting para sa Women 55kg division.

Masasabi na napakalaking bagay ang nakamit ni Hidilyn dahil sa loob ng 97 years o halos isandaang taon na pakikipagpaligsahan sa Olympics, nakuha niya ang unang-unang ginto para sa bansa.

Dahil sa tagumpay niya ay nabigyan din ng lakas ng loob ang iba pang mga Pilipinong atleta na kasamang tumulak sa Tokyo, Japan upang lumaban dala-dala ang bandila ng Pilipinas.

Nagsilbi rin itong inspirasyon sa mga Pilipino upang magsikap pa nang husto at hindi sumuko gaano man karami ang balakid sa daan ng tagumpay katulad na lang ng nangyari sa atleta na natatakan pa na kasama diumano sa plot laban sa Pangulo.

Bilang gantimpala ay mabibigyan naman si Hidilyn at iba pang mga atletang mananalo sa Olympics ng premyong pera na nakasaad sa Republic Act 10699 na magbibigay sa makakakuha ng gintong medalya ng P10M, pilak P5M at bronze ng P2M.
Ang pagbibigay ng pera o pondo para sa ating mga atleta ay hindi lamang dapat bilang premyo kundi dapat na ito ay bilang suporta na nararapat ibigay sa simula pa lamang upang masiguro na sila ay nakatatanggap ng tamang suporta hindi lamang pinansiyal kundi pati suportang moral na lubos na makatutulong upang makundisyon ang kanilang pangangatawan at kaisipan para sa laro.

Sa kasalukuyan ay hindi lamang mga atleta na ipinadala sa Tokyo Olympic games ang nagdadala ng pangalan ng ating bansa kundi mayroon pa ring iba katulad ni Michael Christian Martinez na isang figure skater na nagbigay na rin ng karangalan sa bansa sa ibang palaro.
Kung sa simula’t simula ay suportado ang ating mga atleta ay siguradong hindi lang iisang ginto ang kaya nilang iuwi para sa ating bansa.

Related Articles

One Comment

  1. KA Phillips, J Aldridge, K Ribi, etal Cognitive function in postmenopausal breast cancer patients one year after completing adjuvant endocrine therapy with letrozole and or tamoxifen in the BIG 1 98 trial Breast Cancer Res Treat 126 221 226, 2011 Crossref, Medline, Google Scholar 20 who owns stromectol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Check Also
Close
Back to top button
Close