Editoryal

DAMAY NA

Wala pang gamot na masasabing makapupuksa sa SARS-CoV-2 at ang mga naibibigay lamang ay panlunas sa mga sintomas ng sakit.

Sa kasalukuyan, bakuna ang maaring makapagbigay ng proteksiyon upang hindi mahawa ng sakit na Covid-19.

Sa bilis ng pagkalat ng nasabing virus sa mga tao ay nagkaroon na ng mga pagbabago sa karakter ng virus at sinasabing ang ibang mga bakuna ay maaring hindi maging epektibo para sa mga bagong variant.

Sa tingin ng iba, bago pa mabakunahan ang karamihan ay maaring hindi na ganoon kaepektibo ang mga vaccine na maaring mabili sa mga manufactuerer nito.

Gayunpaman ay hindi tumitigil ang mga bansa sa patuloy na pagbabakuna, hindi man mapuksa ang virus ay puwede na ang kaunting proteksiyon ng vaccine na hindi na kakailanganin pang humantong sa kamatayan o sa malubhang sintomas ng sakit.

Nais ng bawat pamahalaan na mabakunahan ang malaking bilang ng kanilang populasyon upang magkaroon ng herd o population immunity, kung saan magkakaroon na rin ng proteksiyon ang iilan dahil sa may proteksiyon ang mga nakapaligid sa kanila.

Ang epekto ng herd immunity ay mabisa sa pagkakataon na ang isang pasyente ay may allergy sa vaccine kung kaya hindi siya puwedeng magpabakuna.

Kung magkagayon ay aasa na lamang siya sa proteksiyon ng karamihan na nakapligid na dahil sa bakunang natanggap ay maaring hindi na dapuan ng Covid-19. Kung walang makakasalamuha na positibo sa Covid-19 ay maaring sabihin na walang dahilan na siya ay magkasakit pa dahil hindi na makakaikot o makakahawa ang kanyang mga nakalsalmuha.

Para sa ating kaligtasan at sa proteksiyon na rin ng mga taong hindi puwedeng magpabakuna ay dapat na tayo ay magpabakuna na rin.

Related Articles

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Check Also
Close
Back to top button
Close