Editoryal

ANG TUBIG AY BUHAY

Ang tubig ay buhay hindi lang dahil sa halos 60 porsiyento ng katawan ng tao ay binubuo ng tubig kundi maraming proseso ang nakasalalay dito.

Ang tubig na nasa loob ng ating katawan ang nagdadala ng mga sustansiya sa ibat-ibang bahagi nito pataas sa ating utak. Ito ang naglilinis ng ating katawan. Ang tubig din ang tumutulong sa regulasyon ng temperatura sa loob ng ating katawan. Ito rin ang tumutulong upang manatiling basa ang pagitan ang ating mga buto, pati na ang ating mga mata.

Sa araw-araw ay kinakailangan nating uminom upang mapalitan ang tubig na inilalabas ng ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi at ng pawis.

Kung hindi man ito nasa loob ng ating katawan ay napakaimportante rin ng tubig sa ating pang-araw araw na gawain dahil ito ang ginagamit upang mapanatili ang kalinisan ng ating panlabas na kaanyuan at ng kapaligiran.

Tubig ang kailangan sa tuwing tayo ay magluluto; bilang sangkap at upang maging malinis ang mga sangkap at kagamitan sa pagluluto.
Ang mga halaman na ating pagkain at nagbibigay ng oxygen at mga hayop ay nangangailangan din ng tubig upang mabuhay. Kailangan din ng tubig sa operasyon ng mga establisyemento. Kung tutuusin ay 0.3% lamang ng tubig sa mundo ang maituturing na mailinis at maaring gamitin.

Noong nakaraang mga tag-init ay naranasan ng karamihan ang mawalan ng tubig ng ilang araw at umasa lamang sa rasyon. Ito ay dahil sa halos maubos ang pondo mula sa pinagkukunanng suplay na ilog. Sinisi ng ilan ang lokal na water district sa pagkabigo nito na makapag-suplay nang sapat dahil sa kawalan ng kahandaan. Ngunit ayon sa nasabing tanggapan ay matagal nang nakabimbin ang kanilang aplikasyon upang makapagbukas ng panibagong pagkukunan ng tubig.

Sa wakas ay nabigyan na nga ito ng permiso kung kayat mayroon nang siguradong pagkukunan ng karagdagang tubig kung sakali mang magkaroon pa ulit ng tagtuyot sa hinaharap upang maiwasan ang pagkawala ng suplay ng tubig sa bawat tahanan.

Related Articles

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close