Metro Puerto

P3,650 NA NATANGGAP NG 4P’S MULA SA DSWD-SAP, BINIGYANG LINAW

Ni Clea Faye G. Cahayag

NILINAW ni Social Welfare and Development o SWAD Team Leader Eric Aborot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi ibinawas sa limang libong (5,000) ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ang isang sakong bigas na natanggap ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4p’s).

Binigyang diin nito na ang tag-isang sakong bigas na natanggap noong Marso ng mga miyembro ng 4P’s ay mula sa pondo ng City Government at hindi galing sa DSWD.

Ani Aborot ang ibinawas sa 5,000 na ayuda ng SAP sa mga 4p’s beneficiaries ay ang P800 na educational allowance na bahagi ng kanilang regular subsidy na natatanggap kada buwan.

“Ang alam po naming binawas yong sa educational grant dahil walang pasok ang Abril at Mayo yon yong ibinawas doon sa regular subsidy ng mga [miyembro ng 4p’s]. Idinagdag lang po iyang P1,350 para po sa health, idadagdag po yung P600 para sa rice subsidy.”

“P1,350 po yung kanilang dapat na matanggap sa buwan ng Abril at Mayo dinagdagan ng P3,650 (SAP) para maabot po yong P5,000,” paliwanag pa ni Aborot.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back to top button
Close