WHAT IS REPETEK
Ang REPETEK {Kokoona ochracea (Elm.) Merr.} ay isang uri ng punong kahoy na natatangi na matatagpuan lamang sa kagubatan ng Palawan, Peninsular Malaysia at Borneo.
Ito ay nakatatawag pansin at nakakaakit ng interes dahil sa malulutong na tunog kapag sinisindihan. Tulad ng saleng at almaciga (bagtik), ito ay madaling dumingas at nagdudulot ng malabughaw at naninilaw-nilaw na luntiang ningning.
Ang pinagsanib na katangian nito ang pinagmulan noong Pebrero 1, 2005 ng pahayagang REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino.
Layunin ng pahayagang ito ang magsilbing gabay at tanglaw ng mga mamamayan tungo sa katotohanan, katarungan at kapayapaan na nakasentro sa kapaligiran.